Kapit Lang

演唱:J-Rick、Chriilz、Corrgtd
Tayo ay kumapit lang
Mag kasabay libutin ang mundo
Marami man ang humadlang
At ang paligid biglang mag bago
Sabay tayo na hahakbang
Papalayo sa mundo nating kay gulo
Basta sakin ika’y laging nakakapit lang
Ikaw ay kumapit lang tayo ay kumapit lang
Wag mo akong titigan ng ganyan Baka matunaw aking mga kalamnan Alam mo
naman na kapag ikaw ang katabi Ako'y nanlalambot at hindi mapakali
Ang ibig sabihin sakin ng mga titig mo Ako ay may pag-asa na ikaw ay
mapaibig ko Pero sana hayaan mo muna akong bumwelo Wag mo akong pangunahan
sapagkat ako'y torpedo Isa ang sinisiguro na pag ika'y sumama Lahat ng
karanasan magaan pa sa alapaap Ako'y magsisilbing gabay sa daang tinatahak
Puso mong sugatan di na dadagdagan pa ng lamat Malawak na mundo ay ating
iikutin Mga masasayang ala-ala ating iipunin Walang sandali na malulungkot
ka saking piling Halika na sa paraiso ng pag-ibig natin
Tayo ay kumapit lang
Mag kasabay libutin ang mundo
Marami man ang humadlang
At ang paligid biglang mag bago
Sabay tayo na hahakbang
Papalayo sa mundo nating kay gulo
Basta sakin ika’y laging nakakapit lang
Ikaw ay kumapit lang tayo ay kumapit lang
Wag mo naman sabihin na nagbibiro
Ang hangarin ko't intensyon sa iyo ay totoo Kahit saglit ay nais kong iwan
muna ang mundo Na kasama ka kalimutan muna ang gulo Ng realidad lahat ng
bigat At sa balikat mo ay kaakibat mag buhat At Lahat ng pangarap natin ay
matutupad Nang magkasama at walang makakabuwag Ako'y dating duwag ngunit
nagkaron ng tapang Nang ipinaramdam mong kasama kang lalaban Mas pinabuti
mo ang taong dating ako Kaya hayaan mo akong makabawi sayo Hawak iyong
kamay habang maglalakbay Kasiyahan na dulot mo ay walang kapantay Tayo'y
magkaakbay kapwa inspirasyon Hanggang makarating tayo sating destinasyon
Tayo ay kumapit lang
Mag kasabay libutin ang mundo
Marami man ang humadlang
At ang paligid biglang mag bago
Sabay tayo na hahakbang
Papalayo sa mundo nating kay gulo
Basta sakin ika’y laging nakakapit lang
Ikaw ay kumapit lang tayo ay kumapit lang
Tayo ay kumapit lang
Mag kasabay libutin ang mundo
Marami man ang humadlang
At ang paligid biglang mag bago
Sabay tayo na hahakbang
Papalayo sa mundo nating kay gulo
Basta sakin ika’y laging nakakapit lang
Ikaw ay kumapit lang tayo ay kumapit lang

你可能喜欢