Balanse

演唱:Corrgtd、Wolfie Jaze
‘Lam mo na laging dating ay matikas
Gusto lang sa negatibo makaiwas
Laman ng kalye at ng klase
Positibo lang ‘to pare
Yung galawan ay palagi lang balanse
Laging balanse parang klima at tama sa may sagada
Sige kase pa tiyak panalo mo makakaasa
Raragasa na mag-ingat at baka masagasaan
Flow ko parang usok sa bong kumukurbada
Parating na mga bagong kanta at pagkahain
Pwede kang magbalot ng iba pa ‘wag mahiyain
Magtanong ka lang ng kulang men, hindi naman magulang
Gusto lang maraming cash sa harap na parang Wu-tang
Mas piniling manahimik sa malilim
Simpleng gumaling nung lagi naging mainipin
Tatlong mga chikas ballin’ feeling like I’m Stephen
Di makasabay sa agos ‘wag mo nang pilitin
Nasa ere kung sakaling di mo na makita sa streets
Mas ganado pag locked item kumakatay ng beats
At mas swerte kung sa akin wag ka nang dumikit
Wack ang peke kaya matik ang kasama legit
‘Lam mo na laging dating ay matikas
Gusto lang sa negatibo makaiwas
Laman ng kalye at ng klase
Positibo lang ‘to pare
Yung galawan ay palagi lang balanse
Okay deretso paangat
Bagamat maraming katapat
Mga nilahad banayad lang pero dekalidad
Kung di naging tapat marapat lang bawas sa pabigat
Yung pangit na bumaliktad di na kasama lumipad
Kaka-adik mga letra na pasalin-salin
May kutob na pumutok kaya namamalagi
Bawat araw ay tinatamad nang palipasin
Yaman at dyamante sa bungo na dapat palawakin
Kalasag ko’y enerhiyang di kayang mabasag
Balagbag sa bumabalak na gustong mandarag
Halimuyak ng tagumpay aking tinatahak
Kung parehas tayo mag-isip di ka mapapahamak
‘Lam mo na laging dating ay matikas
Gusto lang sa negatibo makaiwas
Laman ng kalye at ng klase
Positibo lang ‘to pare
Yung galawan ay palagi lang balanse
‘Lam mo na laging dating ay matikas
Gusto lang sa negatibo makaiwas
Laman ng kalye at ng klase
Positibo lang ‘to pare
Yung galawan ay palagi lang balanse

你可能喜欢