Papuri sa Diyos

演唱:Hangad、Cristopher Aspa
PAPURI SA DIYOS
Pari: Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Koro: At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan Niya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin dahil sa dakila Mong angking kapurihan
Panginoong Diyos, Hari ng langit; Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, bugtong na anak
Panginoong Diyos Kordero ng Diyos, Anak ng Ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, Maawa Ka sa amin
lkaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan; Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
Maawa Ka sa amin
Sapagkat Ikaw lamang ang banal; Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang O Hesukristo ang kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama.
Amen!

你可能喜欢