Aliwayway

演唱:Mike Jeremy、Mike-j
Ohhh ohhh
Na-na-na-na-na
Na-na-na
Ohhh ohhh
Ikaw ba'y nahahapis o merong kalungkutan?
Teka sandali, umupo sa buhanginan.
Pagmasdan ang mga alon sa karagatan,
Humuhupa rin katulad ng 'yong nararamdaman.
Pakawalan ang mga luha't mga pagdurusang matagal nang kinikimkim,
Pagkabigo't pusong wasak at pagtitiis.
Sarili palayain na,
Huwag, oh huwag
Mo hahayaan lang na lamunin ka.
Kalagin mga rehas na nakagapos,
Mga lungkot ay nilalamon ka.
Hayaan ang panahon na maghilom sa nadarama.
Paduguin pa ang sugat na lumalalim,
Kalungkutan sa buhay mapapawi rin.
Huwag mawalan ng pag-asa,
Maghihilom din.
Oh Aliwayway, Oh Aliwayway
Oh Aliwayway
Oh Aliwayway, Oh Aliwayway
Oh Aliwayway
Ilaan mo ang sandali ng hapis sa dagat.
Takpan ng buhangin ang luhang lumalapat.
Isigaw mo ang sakit na 'yong nadarama,
At hayaan ang hanging magtaboy magpasya.
Ka na sa nararapat at dapat gawin,
Bigyang panahon ang sariling maging.
Maligaya't payapa, unahin mo muna
Ang iyong sarili.
Huwag kana mamili.
Mahalin mo muna't
pagbutihin lahat ng ginagawa.
Bigyang panahon ang pagyakap,
Masdan mo ang ulap,
Paglipas ng oras ay nabubura.
Piliin lang lagi ang tama at huwag ang mali,
Ngunit bilang tao, normal lang namang magkamali.
Huwag mo naman sanang pahirapan ang sarili mo.
May panahon pa para mabago mo ang takbo.
Oh Aliwayway, Oh Aliwayway
Oh Aliwayway
Oh Aliwayway, Oh Aliwayway
Oh Aliwayway
Ilaan mo ang mga sandali ng hapis at kalungkutan
Na mabura sa mga buhangin ng oras na ako'y nagdadalamhati,
Sa mga pagkakataon, na ako'y nabulag ng mga damdaming nagdulot sa akin ng pighati.
Handa na akong sumalubong,
Sa bagong umagang hatid ng bukas,
Bagong pag-ibig, panibagong pag-asa
muling yayakapin nais ng tadhana.
Ohhhhh
Panahon,
Ako ay nagtitiwala, sa gamot ng liwanag na muli mong dala,
Malimutan ang lahat ng aking nadarama.
Ohhhh
Oh Aliwayway, Oh Aliwayway
Oh Aliwayway
Oh Aliwayway, Oh Aliwayway
Oh Aliwayway

你可能喜欢